Tuesday, January 27, 2015

U N W R I T T E N


They say na okay lang daw na paminsan minsan di mo talaga magegets ang ugali ng tao. Minsan nga di mo magets sarili mo ibang tao pa kaya. Di mo rin pwede ibase ang pagkakakilala mo sa tao from sabi-sabi o chismis hanggat ikaw mismo di mo nararanasan o napagdadaanan. Kelangan kasi natin makipaghalubilo before tayo makaka conclude. Na how was it? Mabait kaya? Mapapagkatiwalaan ba sya? May respeto ba sya?


Meron kasi tayong tinatawag na First impression. At di tayo pwedeng dun lang bumase we have to really do the "mingle" thing to be able to experience everything, anything. Ang kulang saten is yung "courage" to do so. 


I can't blame other people for saying "ayoko ako ang nauuna, gusto ko ako ang unang nilalapitan". Kasi daw na trauma na sila sa experiences nila sa pagiging super 
friendly nila. Pero pano kung di sila ang mauuna? Pano na?

-----------------------------------

Way back dati I'm so shy talaga. Pero ngayon wala na ata yun sa Vocabulary ko. Hahahahaha. Na observe ko kasi parang wala naman tayong mapupuntahan sa pagiging mahiyain natin eh. Namemenos lang yung pwede nating matutunan.

Kung mulat ka sa realidad ng buhay,kung naranasan mo nang malugmok ng paulit-ulit at di hinahayaang malunod dito, alam kong may ginawa kang "Big step" para mabago ito kasi posible naman mabago to. 

New ways. New goals. Baguhin mismo tayo. Pagdating sa attitudes, sa pakikitungo, pag perceive ng mga bagay. Pagbago sa hindi magandang kaugalian. At sa pagbibigay importansya sa Pamilya, kaibigan at sariling kalusugan. So one thing I have agreed to change it's my "pagkamahiyain". 

I get along more and more with other people to be able to get to know them kahit slowly lang, pero alam mo yun, may development. :) Di man maganda ang unang engkwentro atleast diba you can improve it next time. 

Base nga sa nabasa kong quote na kahit abo mang good-bad things na mangyare sa buhay natin, magiging malungkot lang tayo o masaya sa kung pano natin haharapin ang problema. In other words proper disposition when it comes to solving problems. 

----------------------------------

Less stress kung papagaanin natin ang problema mismo before natin gawan ng paraan. Pero meron talagang mga bagay na "out of our league" na talaga. What I mean is di na tayo ang makakapag bago or makakapagsaayos. Kaya mas mabuti pang ipagdasal nalang natin.


Isang halimbawa ay ang "attitude problems". Wala na tayong hawak dun. Kasi pinag uusapan natin dito ay ang tao na mismo. 



Oftentimes wala tayong magagawa dun dahil wala tayo sa lugar. Yung tipong di dapat tayo ang maging daan para ma realize nila yun. Kasi kung ako lang "sarili mo dapat kilala mo eh" di sapat na parating pabaya nalang, dapat we take time to observe ourselves din dilang lahat puro puna sa ibang tao. 

Cause if we try to think about it, it's our own life na dapat bigyan nating pansin.


"Go confidently in the direction of your dreams. Live the life you have imagined". 


"Confidently" Big word. Mahirap gawin sometimes. Kasi naman nagiging OA tayo. Minsan we're getting overconfident we feel na antaas-taas na natin. At di na tayo pwedeng ibaba in someway. Matamaan na ang matamaan!. Alam ko kasi minsan na fefeel ko yun mismo sa sarili ko. And I hate it. Kaya bumabalik ako sa pinangalingan ko. Wayback when I was a child hanggang sa paglaki.


Mga experiences with the family taught me soo much. I can still remember everything. This year I wanted to change things, I must for the betterment. For myself and my relationship to other people. Other pokemons. Hahahaha

That's why I did my resolutions to guide me to be more humble, patient when it comes to work and attitudes towards it. 


I'm glad for my co-workers cause they're the coolest ones ever. They're all different yet unique in their own ways. We're getting Gors na but still we're one in many things.


Yung pagiging listener. Na enhance ko to in the end of last year. Hanggang ngayon I'm still on it. Doon ko kasi na realize na I won't taste the world and still life whatever it might bring pag naka idle lang ako. I really need to go out there reachin' other people and vice versa.


Life is a classic ride of improvements and dissapointments,a circus with people you love, with strangers you don't have a clue about and realizing the world is a better place for people who are fearless yet humble and kind. 



Life is full of potential. It's just a matter of how we use them from time to time. Cause no one else limits what you can do except you. Solely you. Challenge yourself! Crave for adventures! Crave for more :)




Because your future is still "Unwritten". I'm glad if up until now you and I appreciate the Life God has given me and you. <3









No comments: