Saturday, November 26, 2011
Back pain. Body pain. Pain pain de sara pain.
Literal ang ibig kong sabihin sa Back pain. Body pain. Pain pain de sara pain.
Di biro ang lahat ng bagay lalo na pag seryoso ka sa bagay nayun. Na inspire naman ako ni Bob Ong sa pag sulat nanaman sa blog kong ito. Ayun sa kaka simula ng semestre ng eskwelahan me naiwan raw na budget ang SSG sa school na kelangan daw ubusin sabi ng ssg pres namin na si "Puti". Kaya nung nobyembre ika labing isa ng taong 2011 (di ko na ma tagalog, haha) mai aktibity ang ssg na pa Free ICE CREAM atsaka Bideyo OKE + Battle of the bands sa Gym namin. Sa tingin ko naman sakto lang sa petsa ang nasabing event pati nagsaya naman lahat ng dumalo. Btw, dapat estudyante lang nakapunta dun kaso, sinama ko si Tatay Louie ko sa barkada (nag aaral sa San pedro sa davao). Pano siya makaka pasok kung naka civilian attire, tsinelas tapak na tapak sa lupa at wala lang man syang ID ng skwelahan namin.
Alam nyo bang konektado ang SIENA na alma mater namin nung highschool pati ang school ko ngayon? Kaya ayun doon kami dumaan para makapasok si Tatay ng hindi nahuhuli ng mga guard ng school ko. Pero ang naging una naming problema ay kung paano kami makakapasok ulit sa Siena kung wala naman kaming kelangan, ang nasa isip namin eh ito mga to:
Una, Mag rason na i chi check namin ang 3years na naming hinihintay na yearbook, ganun sa Siena, ORIG.
at pangalawa, lusutan nalang ang mga guards. HAHA
Ayun pag pasok namin sa gate natyempuhan na palabas na ang mga estudyante, Uwian na nila keya busy ang guard sa kaka tingin sa kanila. Nakalusot kaming tatlo nila Gabz at Louie pero ang pinaka magandang sign para makalusot talaga kami papasok ng school eh yung adviser naming terror dati, nakita nya kami at kinamusta. Siya na ang susi namin para makapasok sa loob. SAKTO eto sabi nya sa guard oh: Guard pasudli ni sila, ALUMNI ni sila sang sachool. Ayuuuuuun! lusot teh. ICE CREAM GALORE HERE WE GO!!
Matapos namin magpa attendance tuloy na kasmi sa Gym.
Umuwi si Gabz at hndi na nakabalik.
Napa todo naman ang kain namin ni Tatay pati ng mga classmates namin.
eto litrato: (SCOOP your own Edition)
Si tatay yung nasa right side ako yung nasa gitna dun sa kanan na litrato. Sa tingin ko si Hanz ata ang naka kumpletong kumain ng mga flavors na to: Ube,Durian, Coffee, Vanilla, Strawberry atbp. Himala pag uwi ko sa bahai ni hindi lang man sumakit tyan ko para magreklamo sa dami ng nakain ko ng sorbetes. Hindi na namin pina tapos ang battle of the bands. Nakaka pagod kasi Friday na kasi yun nung araw mo nayun na fifeel ang pagod ng buong week.
Pero ang tyan ni Louie ang nagreklamo nung matapos ang Ice cream party. HAHA Kawawa naman.
Nang magsimla na ang hirap sa klase ngayong semestre di na kami masyadong na shock sa the way magpa quiz ang sir namin. "sir" kasi sa school hindi Prof. Nakaka cope up naman kami kaso dapat ma ayos na namin study sked namin kasi halos araw-araw may quiz kami ee. araw-araw ding 7:30 am ang klase minsan natatapos pa ng 7pm depende sa guro.
Wala namang problema sa study habits. Pero kelangan balanse din pati pagiging lider ko sa medtech students. President ng society bg medtechs eh, hamon sakin na kayang kaya naman. Marami kaming activities na mangyayari this Sem isa nadun ang "testimonial dinner" handog sa mga nakapasa naming mga ate at kuya sa Medtech Board exam. Masaya kami kasi antaas ng rating ng school. 15 Board passers ang makakasalamuha namin sa darating na Desyembre, meron narin kami imbitasyon para sa kanila eto silip:
Wala pang naka lagay na theme. Kelangan pa kasing i brainstorm. Busy rin sa paghahanap ng souvenirs ngayon. Dapat related talaga sa Gods and Goddesses inspired attire, gaganapin pala ang nasabing event sa THE FARM Convention Hall. Exciting!!
Kelangan lang na tamang balanse kahit sumasakit lagi katawan. Worth it naman! KtnxBuhbye! :*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment